Tuesday, October 27, 2009

pahabol

tang-ina mo, pare! ayaw kong maghabol pero baliw ako sa iyo at ginagawa mo akong tanga! ginawa mo akong isang sirang plaka na tumutugtog pa rin ng paulit-ulit kahit sira na dahil sa gusto mo lang tumugtog ito. ganun naman tayo di ba? paulit-ulit na lang tayo sa ganito at walang pinanghahantungan. nakakapagod na pero bakit ganun? kahit pagod na ako, umaasa pa rin ako. ayaw na kitang habulin pero hindi... hindi ko mapigilan dahil mahal kita. gusto ko pa rin malaman kung may pag-asa pa nga ba tayo kahit na alam ko na iniiwasan mo na ako. hindi ba katangahan iyon? matalino naman ako, ah. nagmumukha lang akong tanga pagdating sa iyo. alam kong ayaw mo na sa akin pero bakit di ko mapigilang ipilit ang sarili ko sa iyo? tang-ina mo talaga, pare! puede bang diretsahin mo na ako? saktan mo na ako ng todo-todo para isahan na lang please. isang bagsakan na lang at pagkatapos noon ay wala na. mangyayari kaya iyon? sa palagay ko ay hindi pero libre ang mangarap. naisip ko lang, kung sinaktan mo ba ako ng todo-todo ay mapapalitan ang pag-ibig ko ng galit sa iyo, o hindi? sabi nga sa isang pelikulang napanood ko, hindi kita minahal ng sobra para pagtuunan pa kita ng galit (o pagkamuhi).

yun lang. grabe pare, ang sakit ha! nakakabwisit ka na....

No comments:

Post a Comment