Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal
Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal
CHORUS:
Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Isang bansa, Isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino, Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay Ako!
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika, Makita kang sakdal laya.
*****
okay ba? may isa pa... hahanapin ko lang muna.... :)
heto na, heto na!!!
*****
Aling Pag-Ibig Pa
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pag-ibig ko sa iyo, bayan ko?
Sa hirap at ginhawa
Sa ligaya't dalita,
Ako'y kasa-kasama mo
Kung ang gintong palay ay kumakaway
Katabi mo ako sa bukid, bayan ko
Kung tigang ang lupa
At 'di ka makaluha
Ako ang magdidilig
Kung ang bulaklak ay humahalimuyak
Igagawa kita ng kwintas, bayan ko
Kung magbababanta ang bagyo't sigwa
Ako'y may kubong ligtas
May pag-ibig pa bang higit na dakila
Sa pag-ibig ko sa iyo, bayan ko?
Wala na nga, wala
Wala na nga, wala
Wala na nga, wala
-Andres Bonifacio
No comments:
Post a Comment